Noong ika labing limang araw ng ika sampung “waxing moon” sa taong dalawang libo apat naraan anim napo B.E. kung saan si Phramonkolthepmuni (Sodh Candasaro) o mas kilala bilang Luang Pu Wat Paknam na inilaan ang kanyang sarili sa pagsasanay ng meditasyon sa loob ng Upasatha Hall of Wat Boatbon hanggang siya ay naging handa para sa pagpasok sa Middle Way.
Nang makamit niya ang Dhamma, hindi niya itinago sa sarili ang kaalamang ito kundi ibinihagi pa niya ito sa lahat. Ibinuod niya ang
pagsasanay ng meditasyong Middle Way tungo sa pariralang “ Ang Pagtigil/Hinto ay ang Susi sa Tagumpay”
Ang pagtigil o paghinto ng isipan ay nag dadala ng atensyon sa sentro ng ating katawan upang makamit ang Triple Gem sa sarili. Ang Master ay nagpakita din na ang Middle Way ay umiiral sa loob ng ating katawan ano man ang iyong nasyonalidad, lahi, relihiyon o kredo.
Ng pumanaw si Luang Pu, ang maluwalhating liwanag ng Dhamma ay patuloy na kumikinang sa kinakataohan ni Vijja Dhamakaya, Khun Yai Acariya Chandra Khonnokyoong. Siya ay isa sa mga nangungunang estudyante ni Luang Pu at kinikilala siya ni Luang Pu na “walang kapantay.
Si Khun Yai ay nagtatrabaho ng mabuti sa pagtuturo ng meditasyon at isa sa kanyang mga batang estudyante ay si Ginoong Chaiyaboon Sudtipon. Siya ay naging magaling sa pagmeditasyon at tinutulongan niya si Khun Yai sa pagturo ng meditasyon sa mga tao. Isang araw, may dalawang palapag na bahay sa loob ng Wat Paknam kung saan ito ay napuno at sumobra pa ang mga taong nagka-interes sa pag-aaral ng meditasyon.
Matapos magtapos ng pag-aaral sa Unibersidad ng Kasetsart, si Ginoong Chaiyaboon ay nag-disisyon na pumasok sa Wat Paknam upang maging monghe,,at siya ay inordenahan at binigyan ng pangalang Dhammajayo Bhikku nasa Wat Paknam ang lugar na kung saan si Dhammajayo Bhikku ay nag-aaral sa mataas na antas ng meditasyon kay Khun Yai.
Ng dumami ang mga taong gustong mag-aral sa pagsasanay ng meditasyon mula kay Dhammajayo Bhikku, Naisip niya na kailangang ibahagi ang Vijja Dhammakaya .
Si Khun Yai at Dhammajayo Bhikku kasama ang grupo ng mga matatapat na indibidwal ay nagsimula sa pagtayo ng bagong templo noong Pebrero 20(dalawang po, 2513 (dalawang libo lima naraan labing tatlo)B.E,at ito ay tinawag na Wat Phra Dhammakaya. Ito ay naging lugar ng kanlungan ng mga tao at nagging paaralang moral para sa mga nakatira sa Thailand atbp. (at iba pa)
Ngayon ang Wat Phra Dhammakaya ay pinamumunoan ni Dhammajayo Bhikku (Phratepyanmahamuni) o mas kilala sa tawag na Luang Pu Dhammajayo ay nagpakita sa buong mondo na ito ay tunay na templo ng Bhuddismo kung saan na ang mga monghe ay nagsasanay ng maayos na ayon sa disiplina ng Dhamma at karaniwan sa mga tao dito ay sinasanay ang sarili sa moralidad.
Binigyang-diin ng templong ito ang pagpapahalaga sa pag-aaral ng Skripto at kasanayan sa meditasyon. Bilang resulta,dumarami ang mga dumadayo sa templo mula sa Thailand at iba-pang mga nasyonalidad upang pag-aralan ang aral ng Panginoon Buddha at kasanayan sa pagninilay o meditasyon.
Ang templo ay nagsagawa ng ibat-ibang pragrama sa pagsasanay para sa mga tao batay sa pangkat ng edad ano man lahi o pananampalataya.
Programa sa Pagsasanay ng Moralidad: merong programang Dhammadayads para sa mga kalalakihan sa Thailand at sa kung sino mang gustong pumasok sa pagiging monghe sa loob ng (bilang na panahon).
Ang ordinasyon ng 100,000 na mga monghe at ang “renunciation practice of 1million female lay devotees” ay regular na isinasagawa para ibigay ang pagsasanay ng moralidad para sa mga laiko.
Meron ding pragrama sa pagsasanay ng moral para sa mga
kabataan at pangkalahatangpu bliko na tinatawag na Path of Progress Quiz kung saan ito ay may bilang na 5 milyong participante taon-taon.
World Peace Ethics Contest
Ang “World Peace Ethics contest ay palagiang ginagawa sa Thailand at Abrod.
Ang Proyektong V-Star ay naglalayun na sanayin ang mga bata sa paaralan na maging responsable para sa kanilang sarili at sa lipunan. Ngayon, mahigit 1 (isang) milyong participante ang sumasali dito taon-taon.
Meditation Practice: Marami ng meditation program na ginawa para sa mga interesadong tao mula sa Thailand at Abrod. Meron ding meditation program sa pamamagitan ng Internet kung saan ang myembro mula sa ibang parte ng mundo ay pwede ng makasali sa pag-praktis ng meditasyon.
Edukasyon: Dhammakaya Open University California (DOU) ginawang posible para sa mga tao saan man sa mundo hindi lamang para sa pag-aaral ng mga aral ng panginoong Bhudda kundi para sanayin pa, para sa araw-araw na buhay.
Para mapabilis ang epekto ng World Morality Revival, marami ng Dhamma prorams na pwedeng panuorin sa pamamagitan ng Satellite program na DMC Channel. Lahat ng programa sa istasyong ito ay pwede sa kahit kanino ano man ang iyong edad, at nakatanggap na din sila ng maraming mga karangalang nasyonal at internasyonal.
Pali Studies for Monks and Novices: Ang templo ay nagbibigay ng iskolarsyep para sa mga estudyante ng Pali pati narin sa mga paaralan na nagtuturo ng Pali sa ibat-ibang templo sa buong taon.
Ang templo ay may nilagdaang kasunduan sa ilang institusyung internasyonal para masmapabuti ang pamantayan ng pag-aaral sa Pag-aaral ng Bhuddismo.
- Social Welfare: Ang pag-aalay ng pagkain sa 2 milyong monghe ay isang proyektong isinagawa para himukin ang mga tao sa lipunan na maging bukas-palad, para mabawasan ang pagiging
pagkamakasarili, at gumawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lipunan.
- Ang mga pagkaing hindi madaling masira na natanggap mula sa proyekto ay pinapadala sa timog ng Thailand para sa mga nabiktima ng terrorista at natural na mga kalamidad.
- Promoting Personal Well-being: Upang mapa-unlad ang ika-bubuti ng mga tao, nagsanib pwersa ang ibat-ibang mga bansa para ituro ang pagsasanay ng meditasyon. Ang India, Sri Lanka, Nepal, Bangladesh, Pilipinas, atbp.
- Sa karagdagan, mayroon ding sangay ang templo ng Wat Phra Dammakaya sa buong Thailand at sa ibang bahagi ng mundo kung saan merong mga aktibidad at programang isinasagawa kasabay ng sa Wat Phra Dammakaya.
Humigit kumulang 40 taon na ang naglipas, ang Wat Phra Dhammakaya at ang Dhammakaya Foundation ay ginawang mas madali para sa malaking bilang ng tao sa buong mundo na makapag-ensayo o makaranas ng meditasyon at ng moralidad.
Ang lahat ng ito ay ginawa upang patunayan na ang Wat Phra Dhammakaya ay determinadong paganahin ang tao sa buong mundo upang makamit ang panloob kapayapaan na tunay na pundasyon ng pandaigdigang kapayapan.